Friday 7 December 2018

MGA BATA ARUGAIN AT MAHALIN

Ang mga bata ay ang nagbibigay saya s mga magulang. Sila ang dahilan kung bakit nagtratrabaho ang ating mga magulang. Ngayong Nobyembre ay idinaraos ang National Children's Month na may temang "Isulong: Tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata."

Ang mga bata ay ang pag-asa ng bayan. Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang Tema nagyong Children's Month ay "Isulong: Tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata."na kung saan kailangan nating alagaan at gabayan ang mga bata ng maayos upang sila'y maging mabuti hanggang sa kanilang pagtanda. Paano kung hindi sila pinalaki ng maayos? Mawawalan ang mga bata ng respeto sa kanilang mga magulang at sa ibang tao. MAari din silang maging pariwara dahil sa kakulangan ng gabay at aruga.

Ating gabayan ng mabuti ang mga bata at arugain ng maayos para sila ay maging mabuting mamamayan sa lahat ng pagkakataon. Ang mga bata ang siyang babago sa ating lipunan, bansa atsa buong mundo kaya kailangan natin silang gabayan at disiplinahan.

No comments:

Post a Comment