Friday 23 November 2018

GADYETS, LIMITAHAN SA PAGGAMMIT

Sa buwan ng Nobyembre, ating ipinagdiriwang ang Filipino-Values Month na may temang "Mapanuring paggamit ng gadyet tungo sa Makapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa"
Ang gadyet ay isang maliit na makina na ginagamit sa pang-araw-araw. Ang gadyet ay ang nagsisilbing koneksyon sa pamilya at sa kapwa.Ginagamit ito na pantawag o pantext sa mga kaanak na nasa ibang bansa.

Nasa  panahon na tayo ng modernong teknolohiya. Iba't ibang mga gadyets na ginagamit natin sa ating buhay. Ang aking pananaw sa tema ay ang paggamit natin sa mga gadyets para sa mga mahal natin sa buhay na malayo sa atin. Ito ang nag-uugnay sa ating pamilya at kapwa sa pagkikipagtulungan,pakikiramay at pagbabahagi sa isa"t isa. Ngunit may maganda at di magandang dulot ang paggamit ng mga gadyets tulad ng hindi sila makatrabaho ng maayos. Ang magandang dulot naman ay mapahusay ang pakikipag-komunikasyon, sariling kaalaman at mapadali ang ating gawain.

Kailangan nating limitahan at balansehin ang paggamit ng mga gadyets upang hindi makaapekto sa ating buhay. Kailangan natin ang mga gadyets sa pang-araw-araw ngunit alam din natin ang ating limitasyon.

No comments:

Post a Comment